BATAS MILITAR Team om​

Kung naghahanap ka ng mga sagot sa tanong na: BATAS MILITAR Team om​, napunta ka sa tamang lugar.
Narito ang ilang sagot sa tanong na ito. Mangyaring basahin ang higit pa.

Tanong

BATAS MILITAR
Team om​

Mga sagot sa #1 sa Tanong: BATAS MILITAR
Team om​

Answer:

BATAS MILITAR

  • Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga unang serbisyo).

Explanation:

PA BRAINLIEST PO AKO

SALAMAT (≧▽≦)

Mga sagot sa #2 sa Tanong: BATAS MILITAR
Team om​

Answer:

Noong Setyembre 21, 1944, inilabas ni Pangulong Jose P. Laurel ang Proklamasyon Blg. 29 na naglayong ipasailalim ang Pilipinas sa batas militar. Naging epektibo ito noong Setyembre 22,1944. Ganito rin ang sinunod na proseso ni Marcos, ngunit hindi niya nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21: nilagdaan niya ito noong Setyembre 17 o Setyembre 22, gayong ang nakasaad na petsa rito ay Setyembre 21.

Sa buong itinagal ng batas militar, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang pagkilala sa Setyembre 21 bilang National Thanksgiving Day sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 1180 s. 1973. Ginawa niya ito upang mailapat sa kasaysayan ang araw ng pagkakatatag ng kaniyang Bagong Lipunan. Lubhang naging matagumpay ang propagandang ito sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay maraming mga Pilipino, lalo na iyong mga hindi naranasan ang mga pangyayari nong Setyembre 23, 1972, ang naniniwala na ginawa ang proklamasyon ng batas militar noong Setyembre 21, 1972—na isang karaniwang pagkakamali.

Malinaw ang mga katunayan. Isang linggo bago pa man ang mismong deklarasyon ng batas militar, marami nang mga tao ang nakatanggap ng impormasyong may nakahandang plano si Marcos tungo sa lubos na pagkontrol sa pamahalaan at sa kaniyang walang-takdang pamumuno. Isa sa mga taong ito si Senador Benigno S. Aquino Jr. Sa isang talumpati noong Setyembre 13, 1972, inilantad niya ang planong ito ni Marcos na kinilalang Operation Sagittarius. Inihayag ng senador na nakatanggap siya ng isang lihim na planong militar na nanggaling mismo kay Marcos at isinaad dito na ipapasailalim ang Metro Manila at iba pang mga liblib na lugar sa kapangyarihan ng Konstabularyo ng Pilipinas (Philippine Constabulary) bilang pambungad sa batas militar. Gagamitin daw ni Marcos ang mga serye ng pambobomba sa Metro Manila, kabilang na rito ang pambobomba sa Plaza Miranda, upang pangatwiranan ang kaniyang paghawak ng lubos na kapangyarihan sa buong pamahalaan at sa kasunod nitong paglulunsad ng kaniyang awtoritaryang pamumuno. Maging sa kaniyang talaarawan, isinulat ni Pangulong Marcos noong Setyembre 14, 1972 na ipinaalam na niya sa militar na kaniyang itutuloy ang pagproklama ng batas militar.

Ito na ang rurok ng isang mahabang panahon ng paghahanda: sa mga isinulat ni Marcos sa kaniyang talaarawan noong Enero 1971, tinalakay niya ang sari-saring pagpupulong kasama ang mga makapangyarihang negosyante, mga intelektuwal mula sa Unibersidad ng Pilipinas, at ang militar. Sa mga pagpupulong na ito, sentral na paksa ang paglalatag ng mga hakbang—gaano man kalabis—na maaaring gawin sa hinaharap. Dagdag pa rito, sa kaniyang tala nong Mayo 8, 1972 ay ibinahagi niyang nag-iwan siya ng panuto sa militar na ayusin muli ang mga plano nila, kabilang na ang listahan ng mga personalidad na kailangang arestuhin. Sa araw ring iyon, nakipagkita siya kay Kalihim Juan Ponce Enrile upang asikasuhin ang mga ligal na papeles na kinakailangan.

Noong Setyembre 21, 1972, demokrasya pa rin ang umiiral sa bansa. Sa araw ring iyon, ibinigay ni Senador Benigno S. Aquino Jr. ang kaniyang huling talumpati sa senado.

Explanation:

😀

Napakaraming tanong at sagot tungkol sa BATAS MILITAR Team om​, sana ay makatulong ito sa paglutas ng iyong problema.

Leave a Comment